
Directed by Peter Greenaway
Cast: Vivian Wu (Nagiko), Ken Ogata (The Father), Yoshi Oida (The Publisher), and Ewan McGregor (Jerome)
"Treat me like the page of a book.”Mag-isa akong nanood ng The Pillow Book sa UP Film Institute noong nagdaang Biyernes, alas-siyete ng gabi, halos puno. Maya-maya, may tumabi, mukhang mag-boyfriend. Sa pelikula, lulong ang bida sa pagpipinta sa katawan. Body writer? 13 aklat, labintatlong katawan ng lalaki ang ipinakita. Sa ikalabintatlo, mataba ang lalaki, pang-sumo. Pagtapat ng kamera sa ari niya, narinig kong usapan ng mag-boyfriend sa tabi ko:
Babae: Babae siya? (Takang-taka)
Lalaki: (Mukhang takot may makarinig) Talagang ganu’n pag matabang lalaki.
Hindi na nakasagot ang babae. Hindi ko alam kung dahil sa isinagot ng boyfriend o dahil nilaslas na ng mukhang pang-sumo ang leeg ng publisher ng libro.
[May mga komento sa entri na ito rito.]