Mga Nobelistang Filipino (Q-R)

Carlos B. Raimundo
Benigno R. Ramos
Bienvenido A. Ramos
Pablo P. Ramirez
Eduardo Vianzon Ranola
Mars Ravelo
Felix M. Regala
Roman Reyes
Iñigo Ed. Regalado
Edgardo M. Reyes
F. Venus Reyes
Jun Cruz Reyes
Manuel O. Reyes
Mateo Reyes
Maximino De Los Reyes
Pedrito Reyes
Pedro Reyes
Ramon Guzman Reyes
Severino Reyes
Tomas V. Reynoso
Pedro L. Ricarte
Norma M. Rillo
Estela Rimorin-Rosales
Emiliano Rionda
Jose Ma. Rivera
Lazaro Juan Rivera
Jose Rizal
Marcelo Teo Roberto
Carlos Y. Roca
Teresita P. Rodriguez
Carlos Ronquillo
Carmen Rosales
Deogracias A. Rosario
Fructuoso Del Rosario
Nieves Baens Del Rosario
Patricio E. Del Rosario
Perfecto Del Rosario
Silo Del Rosario
Clarita B. Ruiz
Silvio Ruiz

Mga Nobelistang Filipino (O-P)

Manuel Obispo
Jesus Castro Olega
Ros Olgado
Gilda Olvidado
Bob Ong
Consuelo Padilla Osorio
Lazaro Padiernos
Carlos Padilla
Mamerto Paglinawan
Fernando Flores Palma
Precioso Palma
Cecilio V. Pamintuan
Panimdim [sagisag]
Martin D. Pantaleon
Joey C. Papa
Placido R. Parcero, Jr.
Andres Pascual
Benjamin P. Pascual
Pedro Pascual
Elena M. Patron
Lino Peñaranda
Juan Maria Pendon
Ligaya D. Perez
Tony Perez
Elpidio Pestano
Benjamin Pimentel
Macario G. Pineda
Pascuala Pintor
Pascual H. Poblete
Ciriaco S. Ponce

Multiply Para Kay Estrella

May Multiply site para sa manunulat na si Evelyn L. Estrella (na Evelyn Estrella-Sebastian na pala ngayon) na naglalaman ng ilang larawan, video interviews at maikling repleksiyon sa kaniyang mga maikling kuwento. Si Estrella ang may-akda ng mga nobelang Sa Pag-ibig, Parehas ang Laban (1989-1991) at Mahirap Ba Akong Mahalin? (2001-2002) na parehong naunang lumabas sa mga pahina ng Liwayway.

Ilang taon na rin akong kinakapanayam ng ilang mag-aaral mula sa Ateneo High School, dahil requirement yata nila sa English class nila ang makipanayam sa isang manunulat bago magtapos ang taon. Nakakatuwa na ang Multiply site na ito ay mukhang bunga ng ganoong requirement--at isa sa mga nakipanayam kay Estrella ang kasalukuyang housemate ni Kuya sa PBB Teen Edition Plus, si Robi Domingo:

PCIJ Podcast: Jun Cruz Reyes

Pagkatapos ng paglulunsad ng Armando sa UP noong 2006, kinapanayam ng PCIJ si Jun Cruz Reyes. Binanggit ni Reyes ang pagkagusto niya sa bago, iyong exciting: ayaw niya ng "cute ako" o safe na paksa sa pagsusulat. Sa mga bigots umano niya iniaalay ang isinusulat, dahil sa kaniyang "kulit" o "tigas ng ulo." Nang ipinatawag siya ng intelligence sa panahon ni Marcos dahil sa kaniyang mga isinulat, sinabi umano niyang, "fictionist kaya ako, I am incapable of telling the truth." Nang magsulat umano siya tungkol sa komersiyalisasyon ng Puerto Galera, death threat naman ang natanggap niya.

"Somebody should tell the truth. Ang irony nito, you tell the truth through fiction." Binanggit din niya sa panayam ang pagsusulat niya ng biography ni Amado V. Hernandez, na binabasa ko na ngayon ang manuskrito (disertasyon ito ni Sir Jun). Kasalukuyan akong nasa ikaapat na kabanata kung saan tinatalakay niya ang posibleng pinagmulang angkan ni Amado.

Para sa buong panayam ng PCIJ, i-download ang file dito.

Mga Nobelistang Filipino (M-N)

Pedro Enriquez Magpayo
Makabayan [sagisag]
Pascual Manalo
Pedro V. Mangahas
Modesto B. Manzanares
Gerardo F. Marcelo
Victor Toledo Marcos
Patricio G. Mariano
Francisco Legal Martin
M. S. Martin
Jovina N. Martinez
Ireneo Masongsong
Epifanio Gar. Matute
Maulap [sagisag]
Buenaventura G. Medina
Buenaventura S. Medina, Jr.
Pura L. Medrano
Rodie Marte Metin
Dominador B. Mirasol
Mito [sagisag]
Ramon Blanco Morales
Jose Rey Munsayac
Felix Nabor
Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera, Jr.
Zosimo A. Nanad
Balbino B. Nanong
Aurelio R. Navarro
Ngisi & Bungisngis [sagisag]

Mga Nobelistang Filipino (K-L)

Pedro Kabangis
Jose Domingo Karasig
Hilaria Labog
Greg Laconsay
Francisco D. Laksamana
Domingo G. Landicho
Apolonia Loria Laqui
Gervasio De Lara
Honorato Herrera De Lara
Adriano P. Laudico
Francisca Laurel
Juan Rivera Lazaro
H. C. Lim
Ramon V. Lim
Rosa Linda [sagisag]
Rosario De Guzman Lingat
Segundo A. Llave
Pantaleon Lopez
Mercedes Jose Lozano

Mga Nobelistang Filipino (I-J)

Rosendo Ignacio
Ave Perez Jacob
Agapito M. Joaquin
Felisa A. Joaquin
Job [sagisag]
Alejandro Jojas y Arca
Emiliano R. Jose
Leonila Gatmaitan Jose
Mercedes J. Jose
Rosario L. Jose
Benigno R. Juan
Francisco D. Junsay

Pamimili

Pagkagising na pagkagising ko kaninang umaga, nasa isip ko na agad ang pagpunta sa SM North. Kagabi, naka-text ko na ang mga magbebenta ng mga isyu ng Aliwan sa akin, Edgar din, katukayo. Alas-onse ang usapan namin, sa Pho Hoa. Nahuli lang ako ng ilang minuto. Marami kaming napag-usapan, lalo na tungkol sa interes niya sa pangongolekta ng kung ano-ano. Pero ang nasa isip ko pa rin nang buong panahon na iyon, mapapasaakin na ang mga kopya ng Aliwan! Ito ang laman ng sampung volume na nabili ko (at hindi ko na sasabihin kung magkano):

  1. Blg. 72: "Puting Bantayog" ni Leonila Gatmaitan Jose
  2. Blg. 85: "Malagas Man ang Bulaklak" ni Alberto Segismundo Cruz
  3. Blg. 82: "Langit ng Isang Pag-ibig" ni Macario Pineda
  4. Blg. 83: "Bituin sa Hatinggabi" ni Pedro Reyes Villanueva
  5. Blg. 89: "Kasal na Walang Pag-ibig" ni Hilaria Labog
  6. Blg. 91: "Makasalanang Pag-ibig" ni Cirio Galvez Almario
  7. Blg. 92: "Ang Ginto sa Makiling" ni Macario Pineda
  8. Blg. 107: "Sampagitang Walang Bango" ni Iñigo Ed. Regalado
  9. Blg. 115: "Naglahong Liwanag" ni Hilaria Labog
  10. Blg. 117: "Ngayon at Kailanman" nina Consuelo P. Osorio at Melania Dolorico at "Ang Lumang Simbahan" ni Florentino T. Collantes
Siyempre, dahil high na high pa ako e hindi na muna ako umalis ng SM at nag-ikot-ikot. Nang madaanan ko ang Filbar's nakita ko na may series 7 pa ng volume 1 ng Carlos J. Caparas Komiks. Binili ko agad siyempre. So ngayon, series 1 at series 6 na lang ng volume 1 ang wala akong kopya.

Pagpunta ko ng National Bookstore, nagpasya akong bumili na rin ng mga Filipiniana titles ng nobela na wala pa ako. Sale dapat sa National pero siyempre, hindi pala kasali sa on sale ang local titles. Binili ko na rin ang mga ito, habang hindi ko pa makontrol ang sarili ko sa paggastos:
  1. Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez-Peña (ito iyong edisyong may panimula ni Ruth Elynia S. Mabanglo)
  2. Orosa-Nakpil Malate ni Louie Mar A. Gangcuangco (matagal ko nang gustong mabasa ito, pero dahil masyado ang hype, hindi sa nobela kundi sa paksa ng nobela lang, kaya pinalamig ko muna)
  3. Ang Kanilang mga Sugat ni Genoveva Edroza-Matute
  4. MacArthur ni Bob Ong (ilang linggo pa lang ang nakakaraan nang binili ko na rin sa wakas ang Alamat ng Gubat at Paboritong Libro ni Hudas sa National sa Robinson's Metro East pero walang MacArthur doon)
  5. Antyng Antyng o Kwadrisentenyal kung paano nakipagpatintero sa kasaysayan ang aming bayan ni Uro Q. Dela Cruz (nagwagi ito sa Palanca kaya hindi puwedeng basta-basta palampasin)
  6. Ang Lihim sa Ilalim ng Balon ni Victoria Agatha (na malamang e pen name; matagal-tagal kong pinag-isipan kung bibilhin ko ito, published ng SGE Publishing at una sa tinagurian nilang "First Pinoy Horror Novel Series"; may apat na iba pa sa serye pero hindi ko na muna iyon binili; titingnan ko na muna ito; "maayos" naman ang unang pahina kaya sige na; ang hindi ko lang talaga mabibili at masusundan, at least sa ngayon, ay ang daan-daan yatang titles ng Pinoy romance novels na nasa shelves ng National)
Dumiretso ako ng The Block, at first time kong ma-explore talaga ito. May Fully Booked pala at siyempre, hindi pa man ako pumapasok e winawarningan ko na ang sarili ko na hindi ako dapat bumili. Titingin lang ako. Pero pagkatapos kong suyurin ang fiction e bumagsak ako sa 3 non-fiction titles na binayaran ko rin sa counter:
  1. Six Memos for the Next Millenium ni Italo Calvino (matagal ko na itong nabasa, at noon ko pa gustong bumili ng kopya; heto na nga)
  2. The Literature Machine ni Italo Calvino (isang beses ko lang itong nakita sa local bookstores dito sa Maynila; hindi ko nabili agad noon dahil wala akong pera kaya ngayon e hindi ko na rin pinakawalan)
  3. 13 Ways of Looking at the Novel ni Jane Smiley (dahil wala pa akong nababasang nobela ni Smiley e nag-aalangan akong bilhin ito; pero nang makita ko ang laman nito e alam ko na agad na hindi maaaring hindi ko ito bilhin; halos ganito ang gusto kong gawin dito sa Mga Nobelang Atisan, halos ganito ang tipo ng pag-aaral sa nobela na gusto kong gawin sa mga nobelang Tagalog).
Dahil marami na akong bitbit, dumiretso na lang ako dito sa Pinoy Dept para iwan dito ang mga pinamili ko, at dito na nga rin ako nagsusulat dahil tiyak na hindi ko maaalala ang lahat ng titles pag-uwi ko sa Nangka. So iyon, ngayon e guilt trip na naman.

Mga Nobelistang Filipino (G-H)

Fausto J. Galauran
Lazaro F. Galore
Gantingpala [sagisag]
Edel E. Garcellano
Ciriaco S. Garcia
Fanny A. Garcia
Marcelo P. Garcia
Maximo M. Garcia
Gat Dusa [sagisag]
Pedro Gatmaitan
Antero Gempesaw
Pablo R. Glorioso
Fausto S. Gonzales
Jose A. Gonzales
Gloria Villaraza Guzman
Amado V. Hernandez
Valeriano Peña Hernandez
Carmen Herrera
Mamerto A. Hilario
Marcelo H. Hipolito

Mula Kay Isagani

Mula sa blog ni Isagani Cruz at unang nalathala sa Starweek noong Agosto 1989:

We tend to read Philippine texts the way we read European or American texts. We call Jose Rizal’s Noli Me Tangere a novel, for instance, thereby immediately implying that we have to apply to it theories of the novel derived entirely from European novels. I know that Rizal thought he was writing a European novel, but that has no bearing on the problem, particularly in these death-of-the-author days. Edgar Allan Poe thought that he was writing British magazine stories, but that has not changed the way American critics read “The Cask of Amontillado.” Soledad Reyes has already pointed the way to more sympathetic readings of so-called sentimental – or worse, “romantic” – Philippine novels, and Emmanuel Reyes has done a similar thing for Philippine films, but we still denounce Philippine serialized novels and films as melodramatic.

Mga Tauhan sa Isang Upuan

May blog entry si Ma'am Luna (Sicat) kung paano niya isinulat ang defining moments ng mga tauhan sa isinusulat niyang nobela, ang Pasakalye, sa isang upuan (lang!)--sina Antonio, Jo, Wanda, Paquito, Alexi, Dave, Hero at Papang. Binanggit niya kung paanong nakuha niya sa kuwentong "Arrivederci" ni Fanny Garcia ang estilo ng pagtutuhog ng mga defining moments nila sa pamamagitan ng "routine ng biyahe." Kapansin-pansin na ang mga unang pagpapakilala niya sa mga tauhan ay may kinalaman sa iba't ibang quirk ng mga ito sa pagtulog. Bakit kaya? Pagkatapos na mabasa noon ang Makinilyang Altar (2002), isa ako sa marami sigurong noon pa nag-aabang sa kasunod niyang nobela.

Volume 2 ng CJC Komiks

Kauuwi ko lang mula sa meeting namin nina Chingbee (Conchitina Cruz) at Kimi (Katrina Tuvera) para sa antolohiyang binubuo namin na may temang "loss of virginity." Pagbaba ko sa bayan ng Marikina mula sa Katipunan (dahil wala akong masakyang diretsong Nangka), nakita kong lumabas na pala ang unang isyu ng Volume 2 ng limang Carlo J. Caparas Komiks (Super Funny, Estudyante, Gwapo, OFW at Klasik). In full color na kahit ang inside pages nito pero nagmahal ng limampiso mula sa dating 10 piso. Ito na nga ang sinasabi ko kahapon tungkol sa pagpapalawak sa saklaw ng nobela rito sa Mga Nobelang Atisan--sa pabalat at pagpapakilala sa pamagat ng mga akda sa komiks, madalas na nakasulat: nobela ni. Kailangan na nga kung gayong unawain sa ganitong kontexto ang ibig nating sabihin ng nobela--na hindi nga limitado ang pag-unawa sa nobela sa prosa lamang.

Dahil ikawalong labas na ng mga nobela sa isyu na ito, may lumabas palang series 6 & 7 ng Volume 1, at hindi ko man lang nabalitaan ang mga iyon. Sayang. May mabili pa sana akong mga kopya noon.

Hanggang Saan ang Nobela?

Dahil nobela ang pangunahing interes ng Mga Nobelang Atisan, may ilang usapin na kailangang pag-isipan at pagpasyahan. Halimbawa, limitado ba sa prosa ang isasali? Paano ang mga nobelang patula, at naiserye rin sa Liwayway--gaya ng Bayang Malaya ni Amado V. Hernandez at ilang akda ni Jose Corazon de Jesus? Nitong mga nagdaang buwan lang, dalawang beses na kaming nag-usap ni Aneka Rodriguez para sa young adult novel niya na balak ilathala ng Adarna House. Patula rin iyon (nasa Ingles nga lang). Kapag hinarap nang matindi ang usapin na ito, paano na ituturing ang iba pang anyong patula na nalimbag din--gaya ng mga awit at korido at pasyon? Nobela na rin ba ang mga iyon?

Bukod sa usapin ng pagtataludtod o hindi (sa ngayon, ito lang ang maigigiit na pagkakaiba sa anyo ng kinasanayan nating nobela at ng nobelang tula o patula), mayroon ding komplikasyon ang pagsanib ng salita sa ibang medium. Halimbawa, ang komiks. Marami nang nagba-blog sa komiks, gaya nina Gerry Alanguilan, Dennis Villegas, Carlo Vergara at iba pa. Pero sa mga iyon, kapuna-puna na mas madalas na napagtutuunan ng pansin ang aspektong biswal kaysa sa kuwento. Wala rin akong nababasa na tumatalakay sa mga katangiang nobelistiko o pang-nobela ng mga komiks, lumabas man sa tradisyonal na tuluyan noon, o sa mga graphic novel ngayon. Kanina lang, nakita kong available na para i-download ang unang isyu ng Elmer ni Alanguilan na dinayo ko pa noon sa SM Megamall nang una itong lumabas. Nakabili na rin ako ng #2 at matagal-tagal ko na ring inaabangan ang ikatlong isyu. Kasali ba ito sa dapat ituring na nobela ng Mga Nobelang Atisan?

Kapag nagkaroon ng akomodasyon dito, nakakatakot (at nakakapanabik din, sa isang banda) na lumuwag nang lumuwag ang mga parametro. At paano na haharapin ang mga soap opera na tinatawag na ring telenobela, lalo pa't magsisimula na sa susunod na linggo sa GMA-7 ang panibagong adaptasyon sa telebisyon ng isa na namang klasikong nobelang komiks ng nobelista rin ng prosa (at may kasalukuyang lumalabas na nobela sa Liwayway, ang Pag-ibig ang Hahatol) na si Gilda Olvidado: ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, na naunang naserye noon sa Darna Komiks at ginawang pelikula sa direksiyon ni Lino Brocka noong 1989.

Narito naman ang ginawang video tungkol sa nobela ng filnetcast:


Naniniwala ako na kung hindi naunang nagamit ni Olvidado ang pamagat na Babangon Ako't Dudurugin Kita, mas mainam sana itong pamagat ng maikling nobela ni Edgardo M. Reyes na lumabas sa Liwayway noong 1990-1991, ang Babaing Marupok... Makapangyarihan.


Kung hanggang saan nga ang tatahakin ng Mga Nobelang Atisan, tingnan natin. Basta't sa ngayon, lahat naman ng mga ito'y bunga pa rin ng pag-iisip ukol sa "nobela"--iyon siguro ang malinaw na pinagmumulan ng lahat dito. Kung saan ito tatangayin, iyon ang mahirap tantiyahin. Pero isang pagpapatangay na maaaring magdala sa mga posibilidad ng pag-unawa sa estetika at poetika ng "nobela" na hindi maaabot kung magpapakulong sa nobelang prosa lamang.

Si Wilwayco Online, Atbp.

Nagba-blog dito ang nobelistang si Norman Wilwayco, at nakiki-youtube din siya rito. At mayroon pa pala siyang ibang libro maliban sa mondomanila, ang responde na lumabas na noon pang isang taon. Isa na namang libro na kailangan kong hanapin, at basahin, at sana'y makita ko pa. Narito ang patalastas:

Mga Nobelistang Filipino (E-F)

U Z. Eliserio
Aurora Enriquez
Pedro Enriquez
Jesus S. Esguerra
Evelyn L. Estrella
P. Eugenio
Agaton G. Evangelista
Juan N. Evangelista
Fely [sagisag]
Angel Fernandez
Victor S. Fernandez
Eliseo Florante
Catalino V. Flores
Paulino Flores-Bautista
Santiago G. Flores
Simplicio Flores
Alejandro Fojas
J. R. Francia
Gabriel B. Francisco
Lazaro Francisco
Victor V. Francisco
Cielito Franquelli
Augusto E. Fuentes

Mga Nobelistang Filipino (C-D)

Pedro Cabangis
Mario S. Cabling
Ruperto C. Caguiat
Aguedo Caguingin
Gregorio F. Cainglet
Sofronio G. Calderon
Candida Calixto
Elpidio S. Capulong
Nemesio E. Caravana
Fausta Carlos
Potenciano Carreon, Jr.
Celso Al. Carunungan
Luz Mat. Castro
Remigio Mat. Castro
Pacita Cecilio
Angela Celi
Gerardo Chanco
Jose M. Chico
Fe M. Claudio
Gregorio C. Coching
Florentino T. Collantes
Conrado Conde
Anselmo Constancio
Nicolas Corcuera
Miguel R. Cornejo
Mateo Cruz Cornelio
Apolonia B. Cornista
Edmund Coronel
Fausto Cortes
Ruperto S. Cristobal
Alberto Segismundo Cruz
Andres Cristobal Cruz
Jose Esperanza Cruz
Julio T. Cruz
Pelagio S. Cruz
Pedro C. Cruz
Vicente G. Cruz
Sergio R. Custodio, Jr.
Rafael D'alarcon
Isagani Villa D'Bayan
Esteban Daez
Pedro S. Dandan
Enrique H. Davila
Susana C. De Guzman
Jose Corazon De Jesus
Vicente De Jesus
Eduardo Padilla De Leon
Noel T. De Leon
Pascual De Leon
Felicula De la Cruz
Levy Balgos De la Cruz
Rosauro De la Cruz
Lualhati Bautista De la Cruz
Servando De los Angeles
Isabelo De los Reyes
Clodualdo Del Mundo
Melanio P. Desamero
Leonardo A. Dianzon
Patricio A. Dionisio
Disawata [sagisag]
Isaac Dizon
Reynaldo Duque

Pagpapatuloy Kay Rizal

Sa artikulo niya ngayong araw para sa PDI, sinabi ni Sylvia L. Mayuga kung paanong ang mga nangyayari ngayon sa harap ng iskandalo ng pananamantala at panlolokong nakaugat na NBN Deal ay pagpapatuloy ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Narito pa rin ang mga personaheng kakatawan sa mga tauhan ni Rizal: Ibarra, Simoun, Maria Clara, Padre Damaso, Padre Salvi, Doña Victorina, Sisa, Pilosopo Tasyo, Basilio. Sa ngayon, may dalawang kabanata na, ayon kay Mayuga. Maaari umanong pamagatan ang una bilang "The Man Who Knew Too Much"--ukol sa pagkidnap kay Lozada at sa hindi naiwasang pagsusuko sa kanya dahil sa paglalantad na ginawa ng kaniyang pamilya at pangkat ng mga pari at madre. "In Aid of Grandstanding" naman ang ikalawa na nakatuon na ang mga tagpo sa pagpipilit ng mga alipores ng Malacañang na pagtakpan ang katiwalian ng gobyerno kahit maisaalang-alang ang lahat.

Muli, makikita natin na simptomatiko ang artikulong ito ng pagtingin sa ugnayan sa pagitan ng panitikan (lalo pa ang nobela) at realidad na hindi pa rin malinaw ang artikulasyon. Ganito ang halaga ng nobela bilang tagasuhay sa imahinasyon natin ng bayan, ng kung ano ang bayan (Benedict Anderson). Lagi kong sinasabi sa mga estudyante ko na ang bisa ng realismo ni Rizal ay hindi intrinsic lamang sa kaniyang nobela, nasa kakayahan din nitong ipatanggap sa atin ang mga pangyayari bilang talagang katotohanan. Kaya naman, higit kaysa anumang historiograpiya ukol sa panahon ng kolonyalismong Kastila, nakakapit ang alaala natin tungkol sa yugtong iyon ng kasaysayan ng bayan sa imahinasyon ni Rizal.

Sino ang aakda sa mga nagaganap sa kasalukuyan? Kaninong imahinasyon ang kakapitan ng hinaharap? Totoo, isang mabigat na hamon ito sa mga nagtatangkang magsulat ng nobela--isang hamon na ipinapasa at ipinapapasan ng anino ni Rizal. Sa loob ng matagal-tagal na ring panahon simula nang magtaya ang ilang mga kritiko at mananaysay-pampanitikan sa ilalagay sa kanon ng panitikang pambansa, si Rizal na nga ang padron at hamon. Kaya naman, patuloy na mas ipinababasa, halimbawa, gaya ng naging pagtataya ko sa isang papel, ang nobelang Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista--sapagkat sa kabila ng modernong tinig ni Lea Bustamante ay ipinagpapatuloy pa rin nito ang tradisyon ng pagpapahalaga sa pag-aaral na itinakda kay Basilio, sa pamamagitan nina Ogie at Maya, lalo pa't mga pagtatapos nila ang nagsimula at nagwakas sa nobela. Samantala, mas mangingimi ang maraming guro, lalo na sa hayskul, na ipabasa ang Bata, Sinaksak, Sinilid sa Baul ni Tony Perez, kahit kapanabayan pa itong nanalo sa Palanca ng nobela ni Bautista, sapagkat mas sinisiyasat nito ang kuwento ng batang pinaslang, ang tradisyon ni Crispin, ang tradisyon na pinipi ni Rizal sapagkat pinili niyang hindi siyasatin pa, ang mga batang hindi na nakakapag-aral sapagkat pinapaslang na agad ng iba't ibang karahasan ng lipunan.

Kagaya ng sinabi ni Mayuga, at ng pamagat ng sitcom noong dekada 90 na paboritong-paborito (at sana, sana, magbalik!): Abangan ang susunod na kabanata.

Mga Pangunahing Nobelang Tagalog sa CCP Encyclopedia

Naglista ng 80 pangunahing nobela ang tomo ng CCP Encyclopedia para sa panitikan ng Pilipinas (isa lamang ang bilang sa mga nobelang Rosales ni F. Sionil Jose). Tagalog, Ingles, Kastila, Ilonggo, Pampango, Ilokano, Bisaya at Pangasinan ang mga orihinal na wikang ginamit sa mga akdang napasama sa talaan. Maliban sa Kenkoy, na tanging lahok na komiks (at hindi pa nga "nobela" sapagkat serye lamang ng mga tapusang strip), may 31 iba pang akda sa Tagalog:

  • Anino ng Kahapon (1906) ni Francisco Laksamana
  • Bagong Kristo (1932) ni Franco Vera Reyes
  • Banaag at Sikat (1905) ni Lope K. Santos
  • Busabos ng Palad (1909) ni Faustino Aguilar
  • Canal dela Reina (1972) ni Liwayway Arceo
  • Daluyong (1962) ni Lazaro Francisco
  • Dekada ‘70 (1983) ni Lualhati Bautista
  • Dugo sa Bukang-liwayway (1965) ni Rogelio Sikat
  • Ginto ang Kayumangging Lupa (1975) ni Dominador Mirasol
  • Ang Ginto sa Makiling (1947) ni Macario Pineda
  • Ang Huling Timawa (1936) ni Servando de los Angeles
  • Mga Ibong Mandaragit (1969) ni Amado V. Hernandez
  • Isa Pang Bayani (1915) ni Juan Arsciwal
  • Kangkong (1983) ni Ceres S. C. Alabado
  • Kung Wala na ang Tag-araw (1970) ni Rosario De Guzman-Lingat
  • Lihim ng Isang Pulo (1927) ni Faustino Aguilar
  • Madaling Araw (1909) ni Iñigo Ed. Regalado
  • Maganda Pa ang Daigdig (1955) ni Lazaro Francisco
  • Ang Magmamani (1924) ni Teofilo Sauco
  • Ang Monghita (1929) ni Fausto Galauran
  • Nena at Neneng (1903) ni Valeriano Hernandez Peña
  • Pagkamulat ni Magdalena (1958) nina Alejandro G. Abadilla & Elpidio P. Kapulong
  • Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar
  • Ang Punyal na Ginto (1933) ni Antonio Sempio
  • Pusong Walang Pag-ibig (1910) ni Roman Reyes
  • Sa mga Kuko ng Liwanag (1967) ni Edgardo M. Reyes
  • Sampagitang Walang Bango (1918) ni Iñigo Ed. Regalado
  • Si Tandang Basio Macunat (1885) ni Miguel Lucio Bustamante
  • Timawa (1953) ni Agustin C. Fabian
  • Ang Tundo Man May Langit Din (1959) ni Andres Cristobal Cruz
  • Urbana at Feliza (1864) ni Modesto de Castro

Sa isa sa mga klase ko sa ilalim ni Ma'am Chari (Rosario Cruz Lucero) noong nagdaang taon, nabanggit niya na may planong i-update ang CCP Encyclopedia. Isa sa mga aabangan ko ang pagbabagong maaaring mangyari sa listahan sa itaas.

"10 Nobelang Filipino na Dapat Basahin sa Hay-iskul" Ayon sa WikiFilipino

Sa hilig natin sa paglilista, nakibagay ang WikiFilipino sa pamamagitan ng pagtatala ng 10 Nobelang Filipino na Dapat Basahin sa Hay-iskul na hango umano sa "mga opinyon ng iba't ibang eksperto na mahilig sa panitikang Filipino." Narito ang nakapasok sa kanilang listahan:

  1. Canal de la Reina ni Liwayway Arceo
  2. Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
  3. Madaling-araw ni Iñigo Ed. Regalado
  4. Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
  5. Lalaki sa Dilim ni Benjamin M. Pascual
  6. Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
  7. Dugo sa Bukang-liwayway ni Rogelio Sikat
  8. Ang Ginto sa Makiling ni Macario Pineda
  9. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
  10. Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco

Pagkatapos mabasa ang entring ito sa Wiki, hindi ko maiwasang malito. Sa isang banda, batay sa pamagat, sinasabing ang mga ito ang 10 nobelang Filipino na dapat basahin sa hay-iskul. Sa kabilang banda naman, mula sa pagpapaliwanag sa listahan, sinasabing, "inaasahan na bago magtapos sa hay-iskul ang isang estudyante ay nabasa na niya ang ilan sa mga nobelang ito (aking ang diin)." Ano ba talaga, kuya?

Maliban doon, hindi rin malinaw ang dahilan sa bilang ng pagkakasunod-sunod. Malinaw na hindi ito alphabetical, batay man sa pangalan ng nobelista o sa pamagat ng nobela. Hindi rin ito kronolohikal ayon sa taon ng unang pagkakalathala sa mga akda. Kung gayon, ano ang batayan ng hirarkiya? Hindi nga malinaw.

Kahit hindi ko pa nababasa ang apat sa sampung libro sa listahan (at nakatapos na ako ng MA sa Panitikan! Kahiya-hiya!), wala naman akong suliranin sa alinman sa sampung nakapasok sa listahan dahil talaga namang halos klasiko na ang mga ito, lalo pa't pagbabatayan ang dami ng mga pag-aaral na nasulat na ukol sa mga ito, kumpara sa ibang nobela.

Gayumpaman, kung gagawa ako ng sarili kong listahan para sa mga mag-aaral sa hayskul, isasama ko ang dalawang higit na kontemporanyong nobelang Filipino na Tutubi! Tutubi! ‘Wag Kang Pahuhuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes (nagwagi sa Palanca, 1982; inilatala noong 1987) at ang Cubao 1980 ni Tony Perez (inilathala noong 1990). Kapwa naman papasa ang dalawang ito, sa palagay ko, sa konsiderasyong estetiko ng WikiFilipino; pero bukod doon, hindi gaya ng karamihan ng mga akda sa kanilang listahan, ang mga isyu sa nobelang ito ay mas nakatuon sa kabataan, nang hindi naisasaalang-alang ang bigat ng komentaryong panlipunan at pangkasaysayan ng "mabibigat" na nobela sa kanilang listahan.

Kung naniniwala tayong kayang batahin ng mga estudyante sa hayskul ang mga ideya at kritika ni Rizal sa Noli at Fili (sana'y hindi dahil sa tingin nati'y "layo" na ng mga nobelang iyon sa ating karanasan), kailangang magtiwala rin tayo na makakaya nilang iproseso ang mga isyu ng aktibismo at prostitusyon ng kabataan na nakapaibabaw, bagaman hindi tanging mga isyu, sa dalawang nobelang iminumungkahi ko.

The Map We Don't Know Of

Ngayong mga oras na ito nga pala'y nagbibigay ng panayam ukol sa katha si Sir Jun (Cruz Reyes) sa DLSU para sa panibagong literary convention ng Malate. Naroon din si Allan (Popa) na magbabasa naman umano ng bagong koleksiyon niya ng tula. Sayang at hindi ako nakapunta.

Mga Nobelang Nanalo sa Palanca

Binuksan lamang ang kategorya ng nobela sa ika-30 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Hindi gaya ng ibang kategorya na iginagawad na rin nang mga panahong iyon (tula, dulang may isang yugto, maikling kuwento, dulang may ganap na haba) na ibinibigay sa una, ikalawa at ikatlong gantimpala, mayroon lamang Grand Prize para sa nobela. Ang nobelang 'Gapo ni Lualhati Bautista ang unang nakatanggap ng gawad. Sa kasalukuyan, ibinibigay na lamang ang parangal na ito tuwing ikatlong taon ng Palanca.

Narito ang kumpletong talaan ng mga nanalo.

  • 1980 : Grand Prize : Gapo ni Lualhati Bautista
  • 1981 : Special Prize : Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig ni Reynaldo A. Duque
  • 1982 : Grand Prizes : Kulang ng Isa sa Sandosena: Ba’t Di Pa Magkasya sa Labing-isa na Lang ni Victor V. Francisco & Tutubi! Tutubi! ‘Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes
  • 1983 : Grand Prizes : Dekada ‘70 ni Lualhati Bautista & Ficcion ni Edel Garcellano
  • 1984 : Grand Prizes : Bata, Bata, Paano Ka Ginawa ni Lualhati Bautista & Bata, Sinaksak, Isinilid sa Baul ni Tony Perez
  • 1987 : Special Mentions : Mga Aninong Hubad ni Cyrus P. Borja & Mga Limbas sa Lupa ng Muhammad ni Ramon V. Lim
  • 1990 : Honorable Mentions : Gagamba ni Reynaldo A. Duque & Kwadresentinyal ni Rosauro Dela Cruz
  • 1993 : Grand Prizes : Bulaklak ng Maynila ni Domingo Landicho & Moog ni Buenaventura S. Medina, Jr.
  • 1996 : Grand Prize : Malaybay ni Edmund Coronel
  • 1999 : Grand Prize : Ang Kaulayaw ng Agila ni Lilia Quindoza Santiago
  • 2002 : Grand Prize : Kung Paano Ko Inayos ang Buhok Ko Matapos ang Mahaba-haba ring Paglalakbay ni Norman Wilwayco
  • 2005 : Grand Prize : Unang Ulan ng Mayo ni Ellen Sicat

Samahan ng mga Nobelista?

Kahapon, dinalaw ko nga ulit sa Faculty Center sa UP si Sir Jun (Cruz Reyes) para dalhin ang mga kuwento namin ni Vim (Alvin Yapan) at nang maisaalang-alang niya sa antolohiyang binubuo niya. Ipinahiram ko na rin ang Wizard of the Crow ni Ngu'gi Wa Thiong'o. Pagkatapos, pinahintulutan n'ya akong kopyahin sa flash disk ko ang disertasyon niyang "Amado: Ang paghahalungkat sa nawawalang epiko ng Katagalugan." Kagaya ng sinabi niya noong isang araw, maaari kong gamitin ang alinmang kabanata rito na magugustuhan kong ilagay sa Tapat. Siyempre pa, excited na excited na akong mabasa ito ngayon.

Maikli lang ang kuwentuhan namin kahapon--dahil may klase pa nga ako sa Ateneo at kasalukuyan siyang kumukuha ng ikalawang bahagi ng compre niya. Ipinabasa niya sa akin ang tanong sa compre, ang tanong na sabi niya'y "nakaka-touch" dahil nakatuon sa pagkilala sa "malikhaing bisyon" ng manunulat na hindi kinakailangang hayag ang pag-aangkla sa kung ano-anong teorya. Ikinuwento niya kung paanong limang taon na siya nang magsimula siyang magsalita at labing-isang taon na nang magsimulang tumakbo. Abnormal umano ang kabataan niya--at madalas niyang naririnig na itanong kung "patay" na ba siya--"patay na ba ang batang 'yan?"--at iyon umanong pag-iisip ukol sa "pagkapatay" ang maaaring nakaimpluwensiya sa kaniyang pagtahak sa pagsusulat.

Nabanggit din niya sa akin na nagkita sila ni Iwa (Norman Wilwayco) nang sinundang gabi at napag-usapan nila ang pagkikita namin. Iminungkahi umano niya kay Iwa ang pagtatatag ng samahan ng mga batang nobelista na "pinakamahuhusay" sa aming henerasyon (at sa isip niya, kami umano iyon nina Iwa, Mes De Guzman, Eros Atalia at Allan Derain). Sinabi ko sa kaniya na nag-aalangan ako sa pagkilalang kami ang "pinakamahuhusay" sa aming henerasyon---dahil sabi ko'y wala naman akong alam na ibang nagsusulat. Gayon pa man, sinabi ko sa kaniya na interesado ako rito--lalo pa't kung layunin nitong magbigay-suporta sa isa't isa na ang tanging tunguhin ay pagpapaunlad ng pagsusulat ng nobelang Filipino. Kung anuman ang patunguhan ng planong ito, malalaman n'yo rito sa Mga Nobelang Atisan. Sa ngayon, babasahin ko na muna ang disertasyon ni Sir Jun.

Lahat, Tapat!

Ngayon, kung kailan nagpasya akong ilipat dito sa blogspot ang Mga Nobelang Atisan, mukhang nagkaisa ang mga planeta at iba't ibang pinagmumulan ng hangin sa mundo para magkaisa ang direksiyon ng mga plano para sa Tapat, ang journal para sa nobela na binabalak kong simulang ilabas ngayong taon. Suwerte a-trese!

Maaga akong gumising dahil nakaiskedyul akong makipagkita kay Sir Jun (Cruz Reyes) nang alas-diyes sa UP. Pero bago iyon, mula rito sa Ateneoville ay nakasakay ko sa FX si Ma'am Lulu (Ma. Luisa T. Reyes) at nabanggit ko sa kaniya kung maaari kaya akong mag-solicit ng sanaysay niya ukol sa nobela. Mahaba-haba rin ang pagbabahagi niya sa akin (buong biyahe mula Nangka hanggang Katipunan) ukol sa halaga ng internet bilang aparatong teknolohikal tungo sa higit na demokratikong pagbabahagi ng kaalaman (Frederic Jameson?) at kung paanong mananatiling libre ang pag-access sa mga artikulo sa itinatag niyang Kritika Kultura; ukol sa halaga ng pagsasalin ng mga malikhaing akda sa Filipino patungong Ingles upang magamit ng mga akademiko sa ibang bansa sa patuloy nilang pag-unawa sa ating natatanging karanasan (sinabi kong isa ito sa mga misyon ng pinapalakas na translation desk ng AILAP); at ukol sa representasyon ng Tagalog sa mga pambansang kumperensiya at kung paanong hindi pa rin nagwawakas ang ingusan ng iba't ibang rehiyon kaugnay ng usapin sa wika. Sa bandang huli, sinabi niya sa akin na maaari kong tingnan muli ang kaniyang disertasyon ("Kritisismo sa Kritisismo") at binibigyan niya ako ng pahintulot na ilathala sa Tapat ang anumang kabanata na sa palagay ko'y naaayon sa intensiyon ng journal. epartment of English siya sa Ateneo, lalo ko pa siyang hinangaan na nasa Filipino ang kaniyang disertasyon. Siguradong-siguradong uupuan ko ulit ang disertasyon na iyon sa Mahal na Araw.

Pagdating ko naman sa UP, dumaan muna ako sa FC-3116 (?) para bumili Wow! Wow! Nang una kong mabasa ang disertasyon niya sa ilalim ng klase ni Ma'am Chari (Rosario Cruz Lucero) noong nagdaang taon, isa na siya sa mga hinahangaan kong kritiko. At dahil nasa Dng kopya ng dalawang nobela/nobeleta? ni U Z. Eliserio: ang Sa mga suso ng liwanag (Seryeng Akdang Bayan, 2006, 111 p.) at di lang anghel (2008, 120 p.). Buy suso and you get anghel for free! At PhP 100 lang! Friends na hindi naman naghihikahos, bumili na kayo sa UP. Mas mura pa ang isang libro kaysa sa isang value meal sa McDo. Kita n'yo, may mga bagong nobelang isinusulat ang mga batang manunulat (at sa kaso ni U, pinagsisikapang mailathala, salamat sa ilang taong nagtitiwala); mambabasa po ang kailangan natin!

Pagkabili, kumatok na 'ko sa Rm. 3005. Tumugon agad si Sir Jun at mukhang nakapambahay pa. Katatapos lang pala ng unang bahagi ng compre niya kahapon at bukas ang ikalawa. Ikinuwento niya kung paano sinagot ang tanong ni Ma'am Tet (Teresita G. Maceda) sa compre: malikhain pa rin, siyempre. Pumunta ako doon dahil ko sanang hiramin ang kopya ng nobela ni Mes De Guzman na binasa rin niya noon para sa NCCA Writer's Prize (at sa palagay ko'y hindi pa nalalathala hanggang ngayon), pero nasa Bulacan daw iyon. Sa susunod pa niya maibibigay. Pero hindi rin nasayang ang pagpunta ko dahil mas marami pang hindi inaasahan ang kinalabasan:

  1. Ibinigay niya sa akin ang contact number nina Mes at Norman Wilwayco (nagreply kani-kanina lang si Iwa at ibinigay ang email niya sa akin). Sa pagkakaalam daw niya'y may tinatrabahong bagong nobela ang mga ito. Hiniram ko na rin ang kopya ng libro ni Iwa na hindi ko matagpu-tagpuan pero noon ko pa gustong mabasa: ang kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-haba ring paglalakbay (Automatic Writings, n.d.). Bukod sa kanila, mukhang may sinusulat din daw na nobela si Ma'am Mayette (Bayuga). Erotika. Isa si Ma'am Mayette sa mga unang bumati sa akin sa text nang ipaalam ko noong Enero ang plano tungkol sa Tapat.
  2. May isinusulat din daw na bago ngayon si Sir Jun pero ayaw niyang ikompromiso dahil baka matagalan pa raw iyon. Mas pintor daw kasi siya ngayong mga panahong ito. At ipinakita nga niya sa akin ang mga bago niyang likha. At nahilingan ko siya na gamitin ang isa sa mga iyon bilang cover ng unang isyu ng Tapat! Wow! Wow!
  3. Tinanong ko siya kung kailan siya matatapos ng Ph.D. Sabi ko'y bilisan n'ya para maging teacher ko siya sa susunod na school-year. Mayo raw. Tapos na rin kasi ang disertasyon niya tungkol kay Amado V. Hernandez--isang biograpiya na nasa anyo raw ng detective novel. Nanghiram ako ng kopya at sabi niya'y ipapahiram niya sa akin ang USB niya bukas! At maaari ko pa raw gamitin ang anumang kabanata roon na magustuhan ko para sa Tapat. Wow! Wow! Kaya naman, babalikan ko ulit siya sa UP bukas at aabalahin habang nagko-compre para hiramin ang softcopy ng disertasyon niya at dadalhin ko na rin ang hinihiram niyang kopya ng Wizard of the Crow ni Ngu'gi Wa Thiong'o.
Habang nasa jeep naman ako pabalik sa Katipunan, natanggap ko ang text messages ni Allan (Popa) para sa mga printer at binibilhan nila ng papel sa mga publikasyon nila sa High Chair. Noong Martes, kinonsulta ko na si Allan ukol sa mga plano ko nga para sa Tapat at marami siyang mga ibinigay na payong praktikal--mula sa lalamanin hanggang sa magiging hitsura ng journal.

Pagbalik ko sa Pinoy Dep sa Ateneo, kinausap ko agad si Vim (Alvin Yapan) kung ano ang plano niya tungkol sa manuskrito ng "Sambahin ang Katawan"--ang ikalawang nobela niya pagkatapos ng National Book Awardee na Ang Sandali ng mga Mata (Ateneo de Manila University Press, 2006). Nalaman kong nirebisa na pala niya ito upang maging isang novella, at saktong-sakto iyon dahil kung sakali'y gusto kong may isang novella sa bawat isyu ng Tapat para naman may tapos na akda maliban sa mga serial novel (2 o 3 bawat isyu).

Ayos, ayos, ayos. Tuloy-tuloy na sana ito. Kung may mga araw na gaya nito kahit paminsan-minsan, kakayanin ko ang lahat ng hamon para mapasimulan na talaga ang Tapat ngayong taon. Good luck sa akin, at mabuhay ang nobelang Filipino!

Mga Talasanggunian ng Atisan

[Maliban sa mga bunga ng personal kong pananaliksik, ginagamit ng Mga Nobelang Atisan ang mga tala mula sa mga sumusunod na sanggunian.]

Aguilar, Faustino. “Ang nobelang Tagalog kahapon, ngayon at bukas.” Publications of the Institute of National Language, volume 7:1 (January 1949). 17 pahina.

Alejandro, Aida L., pat. “Nobelista 75: Panimulang talaan ng mga nobelang Tagalog, 1900-1974.” QC: Ang Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1974.

Hale, Dorothy J., pat. The novel: An anthology of criticism and theory 1900-2000. Blackwell Publishing, 2006. 821 pahina.

Mojares, Resil B. The origins and rise of the Filipino novel: A generic study of the novel until 1940. University of the Philippines Press, 1983. 398 pahina.

Moretti, Franco, pat. The novel, volume 1: History, geography, and culture. Princeton University Press, 2006. 916 pahina.

_____________. The novel, volume 2: Forms and themes. Princeton University Press, 2006. 960 pages.

Regalado, Iñigo Ed. “Ang pagkaunlad ng nobelang Tagalog.” Publications of the Institute of National Language, volume 4:2 (June1948). 44 pahina.

Reyes, Soledad S. Nobelang Tagalog 1905-1975: Tradisyon at modernismo. Ateneo de Manila University Press, 1982. 232 pahina.

Pagpapakilala

Una kong sinimulan ang pagba-blog ukol sa nobelang Filipino sa Wordpress, pero dahil sa limitasyon ng maaaring gawin sa template ng WP (kahit mas gusto ko ang hitsura ng template na ginagamit ko roon) kaya nagpasya akong ilipat at ipagpatuloy dito sa Blogspot ang pagsusulat ng mga tala at pag-aaral ukol sa nobela. Kapag nailipat ko na ang lahat ng mga artikulong nasa WP pa ngayon, buburahin ko na ang mga iyon doon.

Sa ngayon, abangan ninyo ang mga pagbabagong darating dito sa Mga Nobelang Atisan para sa mas masaklaw at malalimang pag-aaral sa pinagmulan at pinatutunguhan ng nobelang Filipino. Maligayang pagbabasa!