De-numero

NGAYON LANG NANGYARI ITO simula nang magturo ako noong 2002: TTH lang ang klase ko at regular na full load o 12 units ang kailangan kong ituro. (21 units ako noong unang semestre!) Hiniling ko ito kay Ate Mel dahil 3 klase na lang ang kailangan kong kunin sa Ph.D. na tututukan ko na. Magbabayad sana ako kanina sa 6 units na ini-enroll ko sa UP (MP 302 at 398 sa ilalim ni Sir Jun) pero tinamad ako dahil mukhang uulan. Nasa FF na ako nang matanggap ko ang text ni Tita Ayen na nagkabarilan sa Diliman at 3 ang patay.