Ang Papel ng Manunulat

Kamakailan lamang, kinilala ng gobyerno ng Estados Unidos si Ninotcha Rosca, kasama ang ibang manunulat gaya nina Wole Soyinka ng Nigeria, Julia Alvarez ng Dominican Republic, Czeslaw Milosz ng Poland, Vaclav Havel ng Czechoslovakia, at Joseph Brodsky, Alexander Solzhenitsyn at Natalya Gorbanevskaya ng Russia, bilang ilan sa mga manunulat, "[who] have demonstrated that literary art can be a potent weapon against tyranny, corruption and injustice. By shining a spotlight on the world's ills - and the regimes that perpetuate them - writers of conscience are doing their part to address urgent problems and hold authorities accountable." Ganito inilarawan ng isang artikulo si Rosca:

One of the most impassioned voices on the literary scene belongs to Filipino author Ninotchka Rosca. Now a resident of New York, Rosca had been a political prisoner in the Philippines under the dictatorial regime of the late Ferdinard Marcos.

Rosca - whose short stories, novels and nonfiction works have won her the nickname "the First Lady of Philippines Literature" - is particularly concerned with women's oppression and gender exploitation. She often speaks on such issues as sex tourism, trafficking, the mail-order bride industry and violence against women.

Na nanggaling ang pagkilalang ito sa gobyerno ng EU ay sapat nang pag-isipan ang intensiyon. Bagaman hindi laging masama, lagi namang kaduda-duda, sa palagay ko, ang papuri ng anumang sistema ng kaayusan sa papel ng manunulat, lalo pa't hindi rin naman malinis ang konsensiya ng sistemang iyon sa pagpapatuloy ng mga pandarahas sa iba't ibang panig ng daigdig.

Binabasa ko ngayon ang Wampeters, Foma & Granfalloons ni Kurt Vonnegut, Jr., ilang dekada matapos itong unang malathala noong 1974, at hindi naman talaga nagbago ang mga usapin tungkol sa (pagkawala ng) pagpapahalaga natin sa kapwa na ibig niyang pag-isipan sa halos lahat ng sanaysay sa aklat. Sa kabila ng puna sa kaniya bilang pesimista (dahil aniya'y mahirap na hindi maging pesimista sa tinatahak na direksiyon ng daigdig sa ngayon), naroon pa rin ang malinaw na pananalig niya sa papel ng sining & alagad ng sining. Gustong-gusto ko ang kaniyang "canary-in-the-coal-mine theory":
This theory argues that artists are useful to society because they are so sensitive. They are supersensitive. They keel over like canaries in coal mines filled with poison gas, long before more robust types realize that any danger is there.
Kaya sa kasaysayan, pinapatay ng mga sistema ng kaayusan ang mga Rizal dahil sa kanilang pagiging sensitibo, sa kanilang pagiging masyadong maramdamin, sa kanilang pagtingin na nagnanaknak na sa kanser ang isang bayan samantalang nagpapatuloy lamang naman sa kanilang buhay nang walang iniinda ang maraming iba pa.

2 Responses to Ang Papel ng Manunulat

  1. hi egay! salamat sa pag-link sa blog ko. nakakakilig pala ang makita ang pangalan ko kasama ng mga "literary luminaries". hehe.

  2. den! ha ha. kaw talaga. :-) musta kay javie? pakisabi isoli na 'yung thesis ko ha ha. :-)