Pagkatapos Ng Undas

Sa mga nagti-text at nagpapadala ng message sa Facebook kung bakit hindi ako nakakapag-update, kagagaling ko lang sa isang linggong Ateneo National Writers Workshop (bilang direktor at panelist) at ngayo'y patuloy pa rin ang pagpapaayos ko ng bahay (tiles, kisame) kaya palipat-lipat itong computer ko at hindi ako makabuwelo ng isang matino-tinong entri. Magbabalik ang Atisan sa Nobyembre, pramis, pagkatapos ng undas, at nakapila sa gagawan ko ng pagbasa ang bagong nobela ni Iwa (Norman Wilwayco), ang Gerilya na nanalo ngayong taon sa Palanca, na kahit hindi pa lumalabas e pinadalhan na niya ako ng kopya sa pdf at nabasa ko na rin agad. Nakapila rin ang Dark Back of Time ni Javier Marias. At maraming iba pa. Excited na rin akong umupo't magbasa nang magbasa. Kitakits.