Walang Nangyayari, Maraming Nangyayari

Hindi ako masyadong nakakapagbasa ngayon ng nobela (p. 242 ng 942 pa rin lang ako sa Don Quixote) dahil maraming ibang kailangang gawin. Kahapon, halimbawa, tinapos ko ang unang bahagi ng isang mahabang maikling kuwento na isinulat ko para isalang sa workshop sa klase ni Dr. Chari Lucero. Sana e matapos ko na ito ngayong linggo dahil tinatapos ko pa rin ang isang personal essay tungkol naman sa ama ko na ipapasa ko naman bilang creative process essay sa kaniya. Bukod sa mga iyan siyempre e ang pagchecheck ng mga papel ng estudyante at paghahanda para sa mga lecture sa pitong klase na tinuturuan ko. Hay. Gusto ko nang mag-second sem para TTH na lang ang klase ko.