Mga Bagong Pangnakaw-oras

Maliban sa mga palabas sa local TV, marami-rami ring serye sa US na sinusubaybayan ko ang nagsimula ang bagong season nitong nagdaang linggo kaya pandagdag na naman sa kakain ng oras ko: Dexter, Heroes, Smallville, Terminator: The Sarah Connor Chronicles at ang bagong palabas na Fringe. Maliban diyan, noong isang araw ay natukso na rin akong bumili ng PSP, isa na namang gadget "na puwede kong iwala," sabi ng mga kaibigan, matapos ngang maiwala ko lang sa kung saan-saan ang aking ipod, N95 8gb at dalawang iba pang cellphone, kaya ilang beses akong nagpapalit-palit ng numero nitong mga nagdaang buwan. "I've somehow learned the art of losing things," sabi ko sa isang dating kakilala, Kris, nang tanungin niya ako kung bakit nawalan na naman ako ng phone. Hindi ko na siya halos kilala ngayon, kaya nagulat din ako noong nagpadala siya ng mensahe. Kasama siya sa ilang mga nakaligtaa't naiwala, bagaman hindi siya kagaya lang ng mga bagay na ito, siyempre. Pero hindi totoong dahil wala lang akong oras noon. Pero tama ka, Kris, malayo na iyon.

Samantala, naghihintay ang mga nobelang kailangang basahin. Natapos ko na kahapon ang The Reluctant Fundamentalist ni Mohsin Hamid at sisimulan ko na anumang sandali ngayon ang aking ikaapat na nobelista, si Javier MarĂ­as sa kaniyang Dark Back of Time. Dahil usapin nga ng oras at panahon ang mga ito. Ang buhay na ito.

2 Responses to Mga Bagong Pangnakaw-oras

  1. ewan ko lang kung interesado kayo pero may mga links ako sa blog ko ng mga interactive na nobela sa internet. yung lang. :)

  2. nakita ko nga yun mitch, pero sa ngayon, nobelang print na muna ako. marami pang kailangang basahin at sabihin tungkol sa mga iyon. :-)