Matagal ko nang nakikita ito sa mga bookstore pero hindi ko pinapansin. May interbyu sa awtor na nakapost sa kaniya mismong blog tungkol sa pagkakasulat ng nobelang ito. Kagaya ng suliranin ko sa panayam kay Syjuco, wala siyang binabanggit na manunulat sa Filipino (o kahit anong katutubong wika sa Pilipinas), maliban kina Eros Atalia at Bob Ong, na siyempre'y kasama niyang manunulat na inilathala ng VPE (at isa nga ako sa mga hinilingan ni Eros na magsulat ng blurb para sa kaniyang aklat). Pero bibigyan ko pa rin ng pagkakataon ang nobelang ito. Kung may extra akong pera, dadamputin ko ito't bibilhin sa susunod na maligaw ako sa National.