Kagabi, Videoke, JHNS






Matagal-tagal ko ring hindi nakasama ang mga ito, noong birthday ko pa noong Feb ang huli. Noong isang linggo, nagpadala ako ng senti text, na nami-miss ko na sila. At agad, nagplano sina Aiza ng videoke session na natuloy nga kagabi, sa Starway sa Tomas Morato. Dahil sa trabaho at pag-aaral ng iba (may klase si Allan, nasa Davao si Mharra, hindi makausap nang matino si Christian, at iba pa) kaya marami pa ring hindi nakasama kung tutuusin. Bukod pa sa ibang wala talaga rito sa Maynila ang trabaho, kundi nasa San Pablo. Pero kagabi, sapat na sapat na ito, sila: Aiza, Ging, Vinnie, Jozzel at Genesis. Lalo na pagkatapos ng mga nangyari kahapon sa department. At kanina ngang naglilipat ako ng mga lumang blog entry mula sa blog sa kung saan-saan, ay nakaabot ako sa isang sentimyento limang taon na ang nakakaraan tungkol sa lahat ng minahal sa JHNS. Ang JHNS na nagdiriwang ngayong araw na ito ng anibersaryo. Sana'y kaya ko pa ring isigaw, BKKKK! Pero mukhang kaya ko pa ring sabihin na mahal na mahal ko sila, Kris.

3 Responses to Kagabi, Videoke, JHNS

  1. happy anniversary kuya egay!
    kaya pa rin natin 'yun. BKKKK!

    -bim ♥

  2. happy anniversary sa atin, vinnie. :-) salamat dahil nananatili kayong nariyan, kahit marami nang nawala.

  3. naku, egay, forever young ka pa rin. (Ano ba yun. Hindi ko alam ang sinasabi ko. Basta alam mo na yan).