UUWI NA ANG NANAY KONG SI DARNA! [ISANG KASAYSAYAN]


HOME >> BOOKS >>

  1. Bandang 2001 nang isinulat ko ang kuwentong ito. Huling taon ko sa kolehiyo at nasa Cervini Residence Hall pa ako noon sa Ateneo. Isinulat ko talaga para isali sa PBBY. Wala pa naman akong nasusulat na kuwentong pambata noon, maliban sa "nagpapanggap" na kuwentong pambatang ipinasa ko bilang final/creative project sa klase ko sa Chem 01 sa ilalim ni Ma'am Achoot (Dr. Ma. Assunta Cuyegkeng--na kinuha ko talaga noon dahil alam kong bukod sa pagiging chemist ay makata rin siya) noon pang unang taon ko sa kolehiyo. Tungkol sa apoy iyon, at tungkol din sa arketipal na good versus evil--tunggalian na puwedeng nasa loob lang ng isang tao o bagay. A Tale of Two Fires ang ipinamagat ko sa kuwentong iyon na ipinasa ko pang naka-layout na gaya ng isang aklat--kahit pa ninakaw ko lang sa kung saan-saan ang mga larawang ginamit ko roon.

  2. Nakaimpluwensiya siguro noon ang "The Myth of Superman" ni Umberto Eco na isa sa mga ipinabasa sa amin ni Sir Danny (DM Reyes) sa isa sa mga elective na kinuha ko noon--ang Panitikan at Globalisasyon--ang tanging klase sa kolehiyo kung saan ako nakapagbasa ng pinakamaraming nobela sa loob ng isang semestre, at kung saan ko unang nakilala sina Michael Ondaatje, John Berger, V. S. Naipaul, J. M. Coetzee at Salman Rushdie.
[ITUTULOY]