Tapos Na, Simula Na

Katatapos ko lang basahin ang 13 Ways of Looking at the Novel ni Jane Smiley (Anchor Books, 2005, 591 pp.)--ang dahilan kung bakit gising pa ako ngayong alas-2:27 ng madaling-araw kahit may klase ako mamayang alas-9:30 n.u. Habang panipis nang panipis ang natitirang pahina sa pagbabasa ko, lalong naghahalo ang kaba at pananabik: Pagkatapos nito, kailangan ko nang harapin at panindigan ang kabaliwan ko.

Ang tanong ngayon, handa na ba ako sa kabaliwan ng mamang ito?