Mga Nabasa Nang Nobelista

Samantalang tinatapos ko pa ang 13 Ways of Looking at the Novel ni Jane Smiley (nasa pahina 482 ng 591 na ako), ililista ko na muna rito ang mga nobelistang naaalala kong nabasa ko na. Kagaya ng sinabi ko, mas prayoridad ko ngayon ang makapagbasa ng iba pang nobelista—lalo na iyong mga ni hindi ko pa naririnig o nababasa ang pangalan mula sa kung saanmang bahagi ng daigdig, subalit may salin na nga sa Ingles ang akda. Matinding pagpipigil sa sarili ang kailangan kong gawin para hindi na muna balikan ang (mga) nobela ng mga ito (maliban siguro sa nobela ni Vim, ang Ang Sandali ng mga Mata, dahil itinuturo ko ulit iyon ngayong semestre), lalo pa’t mahalagang-mahalaga sa akin ang marami sa kanila:

  1. Alejandro G. Abadilla
  2. Chinua Achebe
  3. Richard Adams
  4. Faustino S. Aguilar
  5. Dean Francis Alfar
  6. Isabel Allende
  7. Aharon Appelfeld
  8. Liwayway Arceo
  9. Margaret Atwood
  10. Paul Auster
  11. Julian Barnes
  12. John Barth
  13. F. H. Batacan
  14. Lualhati Bautista
  15. Virgilio P. Blones
  16. Ray Bradbury
  17. Dan Brown
  18. Melvin Jules Bukiet
  19. A. S. Byatt
  20. Nerissa G. Cabral
  21. Italo Calvino
  22. Peter Carey
  23. Lewis Carroll
  24. Constante C. Casabar
  25. Ofelia E. Concepcion
  26. Andres Cristobal Cruz
  27. Michael Cunningham
  28. Modesto De Castro
  29. Philip K. Dick
  30. Umberto Eco
  31. U Z. Eliserio
  32. Shusaku Endo
  33. Jonathan Safran Foer
  34. Lazaro Francisco
  35. Carlos Fuentes
  36. Eric Gamalinda
  37. Edel Garcellano
  38. Alex Garland
  39. N. V. M. Gonzalez
  40. Hermann Hesse
  41. John Irving
  42. F. Sionil Jose
  43. Young-ha Kim
  44. Franz Kafka
  45. Elpidio Kapulong
  46. Milan Kundera
  47. Rosario De Guzman Lingat
  48. Sergei Lukyanenko
  49. Gabriel Garcia Marquez
  50. David Mitchell
  51. Jose Rey Munsayac
  52. Haruki Murakami
  53. V. S. Naipaul
  54. Ben Okri
  55. Gilda Olvidado
  56. Michael Ondaatje
  57. Benjamin Pascual
  58. Tony Perez
  59. Benjamin Pimentel
  60. Macario Pineda
  61. Bino Realuyo
  62. Edgardo M. Reyes
  63. Jun Cruz Reyes
  64. Jose P. Rizal
  65. Arundhati Roy
  66. J. K. Rowlings
  67. Juan Rulfo
  68. Salman Rushdie
  69. Antoine de Saint-Exupéry
  70. J. D. Salinger
  71. Bienvenido Santos
  72. Jose Saramago
  73. Luna Sicat-Cleto
  74. Indra Sinha
  75. Muriel Spark
  76. Ngugi Wa Thiong’o
  77. Edith L. Tiempo
  78. Rolando B. Tolentino
  79. Luis Fernando Verissimo
  80. Norman Wilwayco
  81. Alvin B. Yapan
Tiyak na may mga nakalimutan ako. Kailangan kong balikan ang mga journal ko (online at hindi) para maaalala ang mga iba pang nabasa ko na. Kailangan ko ring tingnan ang bookshelves ko sa Kagawaran, dito sa bahay at sa kuwarto ko sa San Pablo. Siyempre, hindi pa kasama rito ang sandamakmak na nobelista ng romance sa Tagalog na hindi ko na maaalala ang pangalan (ang sigurado lang ako at isinama ko sa itaas, ang tatlong diwata na sina Ofelia E. Concepcion, Gilda Olvidado at Nerissa G. Cabral) pero ilan sa mga una kong nabasa dahil nagtambak sa bahay namin noong lumalaki ako kasama ng mga bagong isyu ng Liwayway.

Kung kakaltasin ko na sila sa 909 na nobelistang balak kong mabasa para sa disertasyon, 828 na nobelista pa rin iyon. Ang tugon ng pagpapakabaliw: Kaya ko ito.