"Awit ni Kadunung" ang Bagong Nobela ni Balde

Wala pa akong nababasa sa mga nobela ni Sir Jun (Abdon M. Balde, Jr.) at heto't may lalabas na naman pala siyang bagong aklat. Nakakainggit talaga ang mamang ito na alamat na halos sa maliit na sirkulo ng panitikan ang mabilis na pagpapayaman at maagang pagreretiro upang ngayon nga'y makapagtuon sa pagsusulat na talagang gusto niyang gawin.

Ilulunsad umano ang libro sa Setyembre 15 sa Book Fair, at maaaring mabasa ang sipi rito. Sigurado naman akong isa si Sir Jun sa mga hindi ko kaliligtaan sa 909 na nobelistang babasahin ko para sa aking disertasyon. Ano ang rekomendasyon ninyo sa kaniyang mga nobela?

2 Responses to "Awit ni Kadunung" ang Bagong Nobela ni Balde

  1. "Hunyango sa Bato" pa lang ang nababasa ko pero nagustuhan ko ito. Nakakatuwa yung paglalarawan karanasan ng pagkukuwento sa may simula. :)

    -mitch

  2. Mabuti ka pa't may nabasa na, Mitch. Matagal ko nang binabalak (lagi rin kasing inirerekomenda ni Ayer) pero laging nauunahan ng ibang libro.