Piniratang Noli

Kumusta namang pinipirata na rin pala ngayon ang Noli Me Tangere ayon sa blog na ito. Naaalala ko rito ang isang balitang nabasa ko bago lumabas noon ang Memories of My Melancholy Whores ni Gabriel Garcia Marquez: Nagkalat din umano ang mga piniratang kopya ng nobela sa Colombia. Ang malaking pagkakaiba nga lang ng unang kaso sa ikalawa: sa kanila, ginawa iyon dahil gusto nang mabasa ng mga tao ang nobela; sa atin, ginawa iyon upang makatipid (dahil required ang Noli, kahit pa hindi garantiya iyon na babasahin nga ng estudyante iyon nang buo). Sa parehong kaso, ang mga pirata ang nanagana.