Pasaways Meet # 2

Dahil nawala ang cellphone ko noong nagdaang linggo, hindi ko nakumpirma sa ilang tao na tuloy ang meeting ng Pasaway kagabi. Kaya ang nakarating lang, ako, si Allan (Derain) at Sir Jun (Cruz Reyes). Ito na ang ikalawang opisyal na pagkikita pagkatapos ng naunang pulong/inuman noong Mayo 7. Sa Sarah's ulit.

Marami-raming nabuong plano na mas kongkreto na kagabi. Hindi ko na iisa-isahin dito dahil ang ilan sa mga iyon e medyo confidential pa. Nakausap ko na rin si Vim (Alvin B. Yapan) kanina dahil isa siya sa mga napag-usapan namin kagabi na isama sa roster ng mga pasaway. Basta't abangan ninyo ang pagdating ng mga Pasaway ng/sa Panitikan.