Mga Bagong Nobela

May ginawa palang blog si RayVi Sunico para sa bagong nobela ni Lualhati Bautista, ang Desaparesidos na binasa ko noong dumalaw si Frank sa Pilipinas. Kararating ko lang dito sa department ngayon mula sa maghapong lecture sa LIRA tungkol sa talinghaga. Sa tingin ko'y maayos naman, mukhang nasabi ko naman ang mga kailangan kong sabihin. Hindi pa ako umuuwi sa bahay kahit medyo pagod na ako dahil magkikita pa kami maya-maya ni Aneka (Rodriguez) para magbigay ako ng puna sa pinakabagong rebisyon ng nobela niyang Displaced na mukhang ipa-publish ng Adarna House ngayong taon. Kinuha kasi nila akong reader/consultant. At paid reader/consultant ha, akala ko e kawanggawa lang iyon. Halos kalahating taon na naming iwinoworkshop iyon ni Aneka at hanga ako sa naging ebolusyon ng nobela. Bagaman walang malaking pagbabago sa mga pangyayari, malaki ang ikinapal dahil sa pagpapalalim ng mga tauhan at pagpapatindi ng verisimilitude. Naaalala kong isa sa mga nabanggit ko sa unang drafts ng nobela ang tungkol sa kawalan ng panahon (hindi umuulan? hindi naaapektuhan kung mainit ang araw?) at pagtukoy sa teknolohiya ng panahon (anong sinasakyan nila papasok sa eskuwela? address sa bahay pa ba ang inaalam mo sa crush mo o friendster na?). Sa pag-uusap namin ni Aneka mamaya sa Seattle's Best, kaunting-kaunti na lang at napaka-minor na ng mga babanggitin ko dahil sa kabuuan ay gusto ko na ang nobela. Buo na talaga ito. At isa sa palagay ko'y magiging mahusay na young adult novel sa Pilipinas.

Noong isang araw, pumunta ako sa National Bookstore para hanapin ang bagong libro ni Sir Rio (Virgilio S. Almario), ang Rizal: Nobelista, na koleksiyon ng mga sanaysay. Dahil sa klase, hindi ako nakadalo nang inilunsad ito nang kaarawan ni Rizal noong Hunyo 19 sa UP. Narito ang PR para sana roon:

It all began in 1996 when two writers—Rogelio Sicat and Virgilio S. Almario—decided to do new translations of Rizal's Noli me tangere and El filibusterismo. They considered Patricio Mariano's early 20th century version rather archaic and the more popular abridged versions, like the one done by Maria Odulio de Guzman, as total literary mess. The latter massacred the original text to suit pecuniary interests. We can imagine what philistine values have been imbibed by generations of students from the abridgements.

Unfortunately Sicat succumbed to cancer, leaving Almario to do the project alone. The new Filipino versions of the novels came out in 1998 in time for the centennial celebration of Philippine independence. Almario did his Filipino versions straight from the Spanish. Since then students and teachers have the happy option to use the reliable version of Rizal's novels.

In December 2003, in commemoration of Rizal Day, Almario delivered a paper on the value of re-reading the Noli and the Fili. After five years, that paper have turned into a book-length collection of essays, Rizal: Nobelista.

When asked how he can still write scholarly pieces with all the administrative concerns of being dean of the U.P. College of Arts and Letters, he quipped "It's a matter of time management." His free time is spent typing away at his computer.

He regards his book as guide on how to appreciate Rizal's importance as a novelist. Almario believes that even if we jettison Rizal as national hero, his two novels are more than enough to sustain his stature as one of the greatest Filipinos. Contemporary novelists always look up to the Noli and Fili as formidable benchmarks. Their literary ambitions are tempered by Rizal's art.

This literary veneration is completely absent in schools. Even today, the main concerns in most classes are Rizal's life and his heroic deeds. The teachers are only one part of this pedagogical lack. They simply cannot share what they do not have. Hopefully with Nobelista, they can check out a substantial reference, and maybe the rigid view on Rizal will change.

Almario, who is a National Artist for Literature, has this to say among young readers of Rizal; "Our writer has produced a very entertaining book. You must not treat him as a mere school assignment. Open your mind to the merits of his novels. And never, never read the abridged versions."
Pero wala pang kopya sa National ng librong iyon. Imbes, apat na ibang libro ang nabili ko: ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos sa bagong edisyon ng Anvil Publishing at may introduksiyon ni Efren R. Abueg; ang Soledad's Sister ni Jose Dalisay na shortlisted sa The Man Asian Literary Prize at malamang na una kong babasahin sa apat; isa pang nobela mula sa Anvil, ang Banana Heart Summer ni Merlinda Bobis na unang inilathala ng Pier 9 sa Australia; at ang Mga Kuwentong Paspasan na inedit ni Vicente Garcia Groyon at inilathala na Milflores Publishing--gagamitin ko naman ito para sa klase sa kasaysayan at pagkaunlad ng maikling kuwento na itinuturo ko nga ngayong semestre.

Noong isang araw din, nagkita kami ni Ser Jun (Cruz Reyes) para sa sa Pasaway, at ilang updates. Mukhang tuloy na tuloy na ang antolohiya, lalo pa't nagparamdam na rin sina Mes De Guzman, Eli Guieb at German Gervacio. Nanghiram din ako kay ser ng dalawa sa mga entries sa nobela sa UP Likhaan Centennial Literary Prize na nagustuhan niya (obvious ba na isa siya sa mga judge?)--pero sa ngalan ng discretion e hindi ko muna babanggitin dito kung anong pamagat at kung kanino ang mga iyon. Dalawa lang ang nahiram ko dahil mabigat lalo pa't manuscript copy iyon at nakahardcover bind pa ang isa, pero balak kong hiramin at basahin lahat. 18 raw ang nagpasa sa nobela, at walo roon ang nagustuhan ni ser. Labingwalong nobela! At walong sa palagay ni Ser Jun ay mahusay na proyekto! Sino'ng makapagsasabing namamatay na ang pagsusulat ng nobela sa Pilipinas? Sa bandang huli, ang panitikan at ang mga mambabasa (na gaya ko) ang panalo sa ganitong pangyayari--kahit pa hindi maitatanggi na ang PhP200,000 na premyo ng UP ay PhP200,000, tumaas-baba man ang piso.