Pinoy Online Novel(s)?

May dalawang mag-aaral umano ng Colegio de San Juan de Letran na nagsimulang magserye ng kanilang mga nobela sa internet nitong Abril. Unang lumabas ang Quiero Amarte Hoy ni Harry S. Parker [sagisag-panulat?] na kasalukuyang nasa ikapitong kabanata. Narito ang paglalarawan ng mismong site sa nobela:

Ang nobelang Quiero Amarte Hoy ay isang kuwento ng isang serial killer, binatang pulis, at ng isang batang nabiyayaan ng sixth sense. Nagulantang ang buong Metro Manila sa sunod-sunod na pagpatay sa mga kalalakihan ng isang tinaguriang Mr. Nice Guy. Ang klase ng pagpatay ay brutal- bawat bangkay na natatagpuan ay pawang mga walang ulo! Dahil sa krimeng lumalaganap, isang batang pulis at isang dalagang inspektor ang magreresolba ng kaso ng pagpatay ng serial killer na si Mr. Nice Guy na isa palang homosexual. Tutulungan naman sila ng isang batang may sixth sense upang maresolba an kaso. Aksiyon, sex, at misteryo ang masasaksihan ng mga mambabasa sa Quiero Amarte Hoy. Ikaw ay mag-iinit, kakabahan at magugulat sa bawat kabanata ng nobelang Quiero Amarte Hoy.