Nasaan na ang Matiisin?

Hunyo na bukas. Magkakaroon na naman ng pagbabago sa Mga Nobelang Atisan. Ito ang ibig sabihin ng pagiging proyekto--laging nasa-pagbabago, hindi maaaring maitakda kung ano lang ang maaaring asahan. Nitong Mayo, sinubok kong mag-post ng mga de-seryeng nobela: natapos ang Lamok sa Loob ng Kulambo ni Benjamin Pascual at hindi naman nangalahati ang Matias Matiisin nina Pat V. Reyes at Joey D. Celerio. Ang problema, masyadong mabagal ang pag-a-upload, at hindi pa ako sigurado kung mayroon talagang nagbabasa sa ngayon. Dahil buo na naman ang mga nobelang ito na nalathala sa Liwayway noon pang dekada 80, maaari sigurong mag-email na lang sa akin ang mga gustong mabasa ito nang buo.