Pagbabalik

Nag-aayos ako ngayon ng hard drive ko--naglilipat ng ilang files sa DVD (dahil 80+ gb na lang ang natitira sa 250 gb ko, dahil sa kada-download ng mga pelikula) at nire-review ang laman ng mga dating DVD. Mula sa mga pagbabalik na ito, ipo-post ko rito ang ilang papel (mahaba at maikli) na naisulat ko sa iba't ibang panahon at pagkakataon, na may kaugnayan sa nobela, dahil maaaring may makitang pakinabang doon ang iba, na siyang katwiran para sa blog na ito.