Dyaryo Nobela ng Pinoy Parazzi

Naglalathala pala ng mga tinatawag nilang "Dyaryo Nobela" ang Pinoy Parazzi na may bersiyong online. Ilan sa mga naiserye na roon ang mga akda ni Lallie na "Kapitana," "Ngiti sa Puso," "May Isang Halik," at "Ms. Freshman," na may tig-aanim na kabanata lahat. Sa ngayon, nasa ikalawang labas na ang bagong dyaryo nobelang "Pag-ibig ni Precy," na isinulat pa rin ni Lallie.