Bagong Nobela ni Abueg

Sa bagong isyu ng Liwayway ngayong linggo (Abril 7, 2008), unang labas ng bagong nobela ni Efren R. Abueg, ang Di Maawat na Apoy. Dahil dito, nagpasya ako na muling subaybayan ang magasin. Ibig sabihin, bibili na ulit ako linggo-linggo ng sarili kong kopya. Maliban kay Abueg, may mga nobelang de-serye rin sina Edgardo M. Reyes (Si Tarzan at si Jane, at si Chito, ika-28 labas), Gilda Olvidado (Pag-ibig ang Hahatol, ika-22 labas) at Elena M. Patron (Subukin Mong Umibig, ika-20 labas). Mayroon namang mga nobelang komiks sina Pablo Gomez (Pugad, ika-12 labas), Sophia C. Resano (Sumpa, ika-21 labas) at Rod S. Salandanan (Mariomar, ika-28 labas).